^

Bansa

Binay-Trillanes face off tuloy sa Nob. 27!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na ang paghaharap nina Vice President Jejomar Binay at Senador Antonio Trillanes IV matapos na itakda ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang kanilang debate sa Nobyembre 27 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sa isang panayam sa radyo DZMM, kinumpirma ni KBP Chairperson Ruperto “Jun” Nicdao na matapos nilang maresolba ang mga kailangan mula sa magkabilang kampo ay tuluy na tuloy na ang debate na magsisimula ng alas-10 ng umaga at posibleng magtatapos ng hanggang tanghali.

Sinabi ni Nicdao, ang pamamaraan o pagsasagawa ng debate at ang mga prepositions at topic na pagdedebatehan ay plantsado na rin.

“All systems go tayo sa debate dahil lahat ng detalye na sine-settle pa between the two camps mukhang na-resolve na lahat,” ani Nicdao.

Nakatakdang maki­pag-ugnayan ang KBP  kina Binay at Trillanes sa Martes upang mapapirmahan ang “rules of debate” bilang bahagi ng paghahanda sa nasabing pormal na paghaharap.

Ang debate sa pagitan ng Bise Presidente at Senador ay sasaksihan ng lahat ng miyembro ng KBP, media at mga inimbitahan mula sa academe at business community.

Ang face off ay inaasahang maeere ng live sa radyo at telebisyon. Gayunman, ang mga komentaryo umano mula sa publiko ay maaari lamang payagan pagkatapos na ng debate.

Matapos ang debate, isang press conference ang ihahanda para sa mga pagtatanong ng mga mamamahayag.

Ang naturang paghaharap ay maisasakatuparan kasunod ng unang paghahamon ni Trillanes kay Binay na sila ay mag-debate na tinanggap naman ng huli.

Pinili ni Binay ang KBP na siyang mangasiwa sa debate dahil sa nakitang magiging patas ang pagsasagawa nito.

Nagsimula ang iri­ngan ng dalawang opis­yal matapos ang alegasyon sa Senate Blue Ribbon sub-committee na nagkaroon ng overpricing sa pagpapatayo ng Makati City Hall Buil­ding 2 at ang kontro­bersya ng umano’y mga tagong yaman ng Bise Presidente na 350 hektarang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas.

BINAY

BISE PRESIDENTE

CHAIRPERSON RUPERTO

DEBATE

HACIENDA BINAY

MAKATI CITY HALL BUIL

NICDAO

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with