^

Bansa

Gobyerno lugi sa landswap deal sa Pangasinan - SINAG

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ng Sama­hang Industriya ng Agrilkultra (SINAG) ang land swap-deal sa Panga­sinan kung saan ay sini­gurong paiimbestigahan nila ito sa Kongreso dahil lugi rito ang gob­yerno.

Sinabi ni SINAG president Rosendo So, malinaw na agrabyado ang gob­yerno sa pinasok na land­swap deal sa negosyanteng si William Chua para sa Bayambang Central School sa simpleng utos lamang ni Bayambang Mayor Ricardo Camacho.

Wika pa ni So, mag­hahain ng resolusyon sa Kamara ang Abono Party­list at Pangasinan Rep. Rosemarie Arenas para imbestigahan ang land­swap deal na ito.

Aniya, ang pinaglipatang 2-hectare property na pag-aari ni Chua nang mga mag-aaral ng Bayambang Central School ay mayroong value lamang na P150,000 habang ang original site ng eskwelahan na 3.1 ektarya na napunta kay Chua ay may halagang P522 milyon.

“Obviously, the land swap deal is grossly disadvantageous to the govern­ment, to the Department of Education, and to the teachers, pa­rents and pupils who will be affected by the deal if it pushes through,” paliwanag pa ni So.

Maging ang Department of Education ay tutol sa paglilipat ng paaralan sa ibang site pero binalewala ni Mayor Camacho ito.

Samantala, nag-donate naman ang SINAG ng mga armchairs, tables at school supplies sa Bayambang Central School habang si dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ay nagbigay naman ng P1 milyon para sa repair at rehabilitation paaralan bukod sa karag­dagang 200 arm chairs na mula kay Sen. Cynthia Villar.

Napilitang lumipat sa ibang lugar ang paaralan dahil ipina-padlock ni Mayor Camacho ang nasabing eskwelahan upang lisanin na ito ng 2,000 estudyante at lumipat sa bagong site, wika naman ni PTA president Filipinas Alcantara.

vuukle comment

ABONO PARTY

BAYAMBANG CENTRAL SCHOOL

BAYAMBANG MAYOR RICARDO CAMACHO

CHUA

CYNTHIA VILLAR

DEPARTMENT OF EDUCATION

MAYOR CAMACHO

PANGASINAN REP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with