Jinggoy humirit makalabas sa Undas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hiniling ni suspended Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan 5th Division na pansamantalang makalabas ng kulungan sa Camp Crame sa November 1, All Saint’s Say.

Sa kanyang request, giniit ni Estrada na mapagbigyan siya ng graft court ng 5 oras na paglabas sa kulungan sa Undas para madalaw ang mga yumaong kapamilya, mga kaibigan at mahal sa buhay tulad nina Lola Mary, Lolo Emilio at iba pang kapamilya na nakalibing sa San Juan cemetery at puntod ng kaibigang si Rudy Fernandez sa heritage cemetery sa Fort Bonifacio.

Mula alas 4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi sa November 1, 2014 ang nakasaad sa kahilingan ni Estrada para rito.

Diringgin ng graft court ang kahilingang ito ni Estrada sa Oktubre 20, alas-8:30 ng umaga.

ALL SAINT CAMP CRAME DIRINGGIN FORT BONIFACIO HINILING LOLA MARY LOLO EMILIO MULA RUDY FERNANDEZ SAN JUAN SENATOR JINGGOY ESTRADA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with