Hollywood acting Guru, pinahanga ni Arjo Atayde
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bumilib ang Hollywood acting coach na si Ivana Chubbuck sa ipinamalas na galing sa pag-arte ni Arjo Atayde sa isang acting workshop kamakailan kaya naimbitahan ang aktor sa eskuwelahan ng una sa ­Hollywood para sa isang master class sa pag-arte.

Isa sa Star Magic Talent ng ABS-CBN si Arjo na anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Sadyang nasa dugo niya ang pag-arte na ipinamalas sa mga naipanalo niyang acting award mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang “Best Actor” sa “Bangka” episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) at “Best Supporting Actor” sa isang drama anthology na “Dugong Buhay.”

Kamag-anak din ni Arjo sina Eddie Gutierrez at Bob Soler, Bembol Roco at Tonton Gutierrez na kanyang mga tiyuhin.

Kumukuha si Arjo ng business course sa La Salle University bago niya pinasok ang larangan ng pag-arte. 

Kamakailan, kasama si Atayde ng kanyang mga senior at awarded studio artist ng Star Magic pati ang kanyang loveteam sa kasalukuyang teleserye na “Purong Pag-ibig” na si Alex Gonzaga sa isang acting workshop na isinagawa ni Chubbuck. Kabilang sa na­ging estudyante ni Chibbuck sina Brad Pitt, Halle Berry, Jim Carrey, Beyonce Knowles, at iba pa.

Naisakatuparan ang workshop sa tulong ni Director Rahyan Carlos, ang unang sertipikadong nagtapos sa Chubbuck at may hawak ng talent development ng network.

Sa workshop culmination, napahanga niya si Chubbuck sa kanyang organic input.

 

 

ALEX GONZAGA ARJO ARJO ATAYDE BEMBOL ROCO BEST ACTOR BEST SUPPORTING ACTOR BEYONCE KNOWLES BOB SOLER CHUBBUCK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with