^

Bansa

Pinsan ni PNoy maagang nagdeklara sa pagtakbong Pangasinan gov.

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umagos ang suportang nakuha ng pinsan ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na si 5th District Rep. Mark Cojuangco sa ibang distrito sa planong pagtakbo bilang gobernador ng lalawigan sa 2016.

Ipinakita ng mga political leaders mula sa 6th district ng Pangasinan sa pangunguna ni Rep. Marlyn Primicias-Agabas nang sumugod sila sa tahanan ni Abono Partylist chairman Conrad Estrella III sa bayang ito para magdeklara ng kanilang all-out support kay Cojuangco sa pagtakbo nito na gobernador.

Naroroon din at nagbigay ng kanilang suporta sina Mayors Heidee G. Chua  (Asingan), Tyrone Agabas (Tayug), Susan Pagador-Casareno  (Rosales), Rodrigo Rafael (Natividad), Philipp G. Peralta (Balungao)  Teodoro Ramos (Sta. Maria), Mayor Jericho Perez  (San Manuel), Clark Tiu (San Quintin), Mayor Rebecca Saldivar  (San Nicolas) at Elfred Tumbocon (Umingan) gayundin sina Vice Mayors Carlos Lopez Jr. (Asingan), Harry Bernabe (Rosales) April Supnet (Natividad) at  Conrado Ignacio (San Quintin).

Nauna rito ay nagpamalas na din ng kanilang suporta kay Cojuangco ang 34 mula sa 47 na barangay chairmen na dumalo sa isang consultative meeting kay Cojuangco sa Urdaneta City.

 

ABONO PARTYLIST

APRIL SUPNET

ASINGAN

BENIGNO AQUINO

CLARK TIU

COJUANGCO

CONRAD ESTRELLA

CONRADO IGNACIO

DISTRICT REP

ELFRED TUMBOCON

SAN QUINTIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with