^

BJMP at doctor ni Reyes, sinubpoena ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinadalhan ng subpoena kahapon ng Sandiganbayan 3rd Division ang warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ang doktor ni Atty. Gigi Reyes upang sabihin kung bakit biglang nadala sa ospital ang abogada noong Huwebes.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng 3rd Division, nais ng Sandiganbayan na duma­lo sa gagawing pagdinig ng graft court ngayong ala-1:00 ng Martes ng hapon sina Female Jail warden Jundelina Jagunap ng Taguig City Jail female dormitory ng Camp Bagong Diwa at sina  Dr. Anthony Lontoc, attending physician ni Reyes; Dr. Prudencio Santa Lucia, direktor ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) at  direktor ng Philippine Heart Center (PHC).

Si Lontoc din ang attending physician ni Reyes nang inilipat ito sa Heart Center Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Matatandaang si Re­yes ay dinala sa Taguig Hospital ng mag-panic attact at tumaas ang blood pressure nang ilipat ito sa Camp Bagong Diwa Taguig mula Sandiganba­yan detention cell. Nailipat naman ito sa Heart Center dahil sa paninikip ng dibdib nito at hirap sa paghinga.

Umani naman ng pagbatikos ang ginawang paglilipat kay Reyes sa pagamutan dahil wala daw utos ang korte para dito.

 

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY CAMP BAGONG DIWA CAMP BAGONG DIWA TAGUIG DENNIS PULMA DR. ANTHONY LONTOC DR. PRUDENCIO SANTA LUCIA FEMALE JAIL GIGI REYES REYES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with