Kahit nag-uulan tubig sa Angat Dam bagsak pa rin
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos ang mga pag-ulan nitong nagdaang mga araw, anim na pangunahing dam sa Luzon ang bahagyang tumaas ang lebel ng tubig, pero tanging ang Angat Dam sa Bulacan ang patuloy na hindi nagbabago.

Ayon sa Pagasa kahapon, ang water level sa Angat Dam na nagsu-suplay ng tubig sa mahigit sa 90 porsiyento sa Metro Manila ay bumagsak ng 0.18 meter mula sa 65.51 meters sa 165.69 meters nitong Sabado.

Kamakailan, bumagsak sa 180 critical level ang Angat para sa suplay ng irigasyon.

Ang San Roque Dam ay nakitaan din ng pagbaba ng tubig ng 0.09 meter, mula sa 237.07 meters pababa sa 237.16 meters nitong Sabado.

Samantala, anim na dam sa Luzon ang tumaas ang water levels nitong Sabado, kabilang ang Ipo, 100.35 meters mula sa 100.30 meters; La Mesa, 77.61 mula sa 77.56 meters; Ambuklao, 740.53 mula 740.51 meters; Binga, 570.51 mula 570.18 meters; Magat, 162.54 mula 162.21 meters at Caliraya,  286.23 mula 286.14 meters.

Hindi naman nagbago ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam na 177.16 meters nitong Sabado.

 

AMBUKLAO ANG SAN ROQUE DAM ANGAT DAM LA MESA LUZON METERS METRO MANILA MULA PANTABANGAN DAM SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with