^

Bansa

Tubig sa Angat Dam bumababa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagbuhos ng ulan, patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ang Angat dam sa Bulacan na nagsu-suplay ng 90 porsiyento ng tubig sa Metro Manila ay nagtala ng lebel ng tubig sa 167.58 meters,  mula sa 167.82 meters noong Sabado. Mas mababa ng 10 metro sa 160-meter critical level para sa inumin.

Nauna rito, bumaba na ang tubig sa Angat dam ng 180 meter critical level para sa pagsuplay ng tubig sa irigasyon.

Bumaba rin ang mga lebel ng tubig sa nakaraang 24 oras sa mga pangunahing dam sa Luzon kabilang ang Ipo; La Mesa; Ambuklao; Pantabangan at Magat.

Tumaas naman ang lebel ng tubig sa Binga, San Roque at Caliraya.

Nitong Hunyo 10 ay idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, subalit iginiit nito na maaring magkaroon ng mababa o normal na pag-ulan lamang simula September bunga ng nararanasang El Niño phenomenon.

vuukle comment

AMBUKLAO

ANG ANGAT

ANGAT

ANGAT DAM

EL NI

LA MESA

METRO MANILA

NITONG HUNYO

SAN ROQUE

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with