Mga lugar na gagamiting access ng US Army, isasapinal na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isasapinal na ng Mutual Defense Board (MDB) ang tatlong lugar na inirekomendang gamiting access ng tropang Kano sa bansa kaugnay ng nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ito ang nilinaw kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista sa nasabing isyu.

Kabilang sa nasabing mga lugar ay sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija; San Miguel, Bulacan at Oyster Bay , Palawan.

Sinabi ni Bautista, sa kasalukuyan under-deve­loped pa ang Oyster Bay at kailangan nila itong kumpunihin para sa mga sundalong mag iistasyon sa lugar.

Nabatid na ang Oyster Bay ay may layong 160 km (100 miles)  mula sa  disputed Spratly islands kung saan nagsasagawa ng reclamation ang China partikular sa Johnson South Reef (Mabini Reef).

Ayon kay Bautista, nakatakdang magpulong ang MDB sa darating na buwan ng Setyembre at Oktubre  kung saan tatalakayin at pagtitibayin ang mga lugar na puwedeng gamiting access ng tropang Kano.

 

BAUTISTA CHIEF OF STAFF GEN EMMANUEL BAUTISTA ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT FORT MAGSAYSAY JOHNSON SOUTH REEF KANO MABINI REEF MUTUAL DEFENSE BOARD OYSTER BAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with