^

Tatlo ang listahan ni Napoles -PNoy

Rudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ano ba talaga Ate?... Ito ang nabuong tanong ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa 3 magkakaibang listahan na ibinigay ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng mga sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa media interview kamakalawa matapos dumalo sa ASEAN Summit sa Myanmar, 2 sa mga listahan ni Napoles ay kanya nang nakita.

Aniya, ang isa sa mga ito ay ang ibinigay ni Napoles sa kanya habang ang ikalawang listahan ay ibinigay naman kay Justice Sec. Leila de Lima at ang ikatlo ay ang hawak naman ni rehabilitation czar Panfilo Lacson.

Wika pa ng Pangulo, dahil hindi naman siya abogado ay sinilip lamang niya ang listahan at agad na ibinigay sa legal team ng Malacañang kabilang si Sec. Leila de Lima.

Wika pa ni PNoy, ang 3 listahan ay magkakaiba ang mga nakalistang sangkot sa pork barrel scam kung saan ang iba ay mula sa oposisyon at may mga nakalista ding kaalyado ng administration.

May hinala ang Pangulo na ang 3 magkakaibang listahan ay para guluhin lamang ang kaso kaya nais niyang mabatid kung bakit pabago-bago ang listahan ni Napoles pero hindi daw siya ang magtatanung nito sa negosyante.

Nakuha ni De Lima ang kopya ng listahan ng kausapin nito si Napoles sa Ospital ng Makati habang si Lacson naman ay binigyan ng kopya ng asawa ni Napoles.

“May dalawang nasa administration ngayon na Cabinet officials ang nasa listahan,” wika naman ni Lacson sa weekly Kapihan sa Diamond Hotel kahapon.

 

DE LIMA DIAMOND HOTEL JANET LIM-NAPOLES JUSTICE SEC LACSON LEILA LISTAHAN NAPOLES PANFILO LACSON PANGULO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with