_ngayon
^

Bansa

10 Sayyaf, 2 sundalo todas sa Basilan encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung bandido ng Abu Sayyaf  Group (ASG) at dalawang sundalo na ang napaslang habang 29 naman sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa inilunsad na strike ope­rations ng tropa ng militar laban sa grupo sa Basilan.

Ayon kay Capt. Jefferson Mamauag, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID), pito sa 10 Sayyaf ay mga tauhan ni Commander Furuji Indama na inilibing na ng grupo nitong Sabado ng umaga sa Brgy. Baguindan sa Ungkaya Pukan, Basilan.

Ang tatlo pang nasawi ay mula naman sa grupo ni Abu Sayyaf sub-commander Hamsa Sapantun na dalawa ay nakilalang sina Assi Kalitot at Basri Musa.

Sinabi ni Mamauag, nalagasan din ng dalawang sundalo ang tropa ng militar habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan kabilang ang apat na nasa malubhang kalagayan.

Bandang alas-2:25 ng madaling araw kamakalawa ng makasagupa ng 3rd Scout Ranger Battalion at 18th Infantry Battalion sa ilalim ng Army’s 104th Infantry Brigade ang grupo ng mga bandido sa Sitio Pansul, Brgy. Silongkum, Tipo-Tipo, Basilan.

Nasundan ang bakbakan dakong alas-7:25 naman ng umaga ng ma­kasagupa ng mga sundalo ang nasa 60 Abu sa pamumuno nina Basir Kaguran, Nurhassan Jamiri at Isnilon Hapilon sa Brgy. Baguindan, Ungkaya Pukan.

Ibinulgar naman ng isang military officer sa Basilan na sumaklolo ang Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) sa Abu Say­yaf sa nasabing labanan kaya mula sa 60 ay tinatayang umabot sa 100 ang kanilang mga kalaban.

Sa katunayan, ayon dito kabilang sa nalagas sa mga kalaban na tinatayang aabot sa 10 o higit pa ay mga tauhan nina MILF Commander Ma­lista Malangka Sapaat, Hamsa Sapanton, Abbas Salong at Rashid Iklaman dahil mga kamag-anak ng mga ito ang mga bandidong Abu Sayyaf.

Tumagal ang bakbakan ng hanggang 6:30 ng gabi.

Patuloy naman ang crackdown operation ng militar sa ASG na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom kabilang ang pagbihag kay Sabrina Voon Ikbala na pamangkin ni dating ARMM Police Director ret. P/Chief Supt. Sukarno Ikbala.

 

ABBAS SALONG ABU SAY ABU SAYYAF ASSI KALITOT BAGUINDAN BASILAN BRGY UNGKAYA PUKAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with