Susunod kay Delfin Lee isa pang most wanted babagsak - PNoy
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isa pang most wanted criminal ang tiniyak ni Pangulong Aquino na babagsak sa kamay ng gobyerno kasunod ng naarestong si Delfin Lee ng Globe Asiatique.

Tumanggi namang banggitin ng Pangulo kung sino ang tinutukoy niyang wanted na susunod na mahuhuli.

“Hintayin ko na lang matapos yung operas­yon,” wika ng Pangulo sa ambush interview matapos itong dumalo sa Pinoy Music Summit kahapon ng umaga.

“Kapag nagtagumpay, mabibilib kayo dun sa kalibre ng madadakip, magugulat kayo,” dagdag pa ng Pangulo.

Magugunita na nitong Marso 6 ay naaresto si Lee na sinasabing sangkot sa P6.6 bilyong housing scam habang papalabas ito ng Hyatt Hotel and Casino sa Malate, Maynila.

Apat pang mga high profile fugitives na kabilang sa ‘Big 5” ang pinaghahanap ng batas at may mga patong sa ulo na tig-P2 milyon na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong Mario Reyes, ex-Army general Jovito Palparan at Dinagat Rep. Ruben Ecleo.  Pinaghahanap din ng batas sina New People’s Army leaders Benito Tiamzon at Jorge Madlos.

BENITO TIAMZON DELFIN LEE DINAGAT REP GLOBE ASIATIQUE HYATT HOTEL AND CASINO JOEL REYES JORGE MADLOS JOVITO PALPARAN MARIO REYES PANGULO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with