^

Bansa

HR 597 lusot na sa komite

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lusot na sa committee level ng Kamara ang House resolution 597 ni Oriental Mindoro Cong. Reynaldo Umali na nananawagan sa kanyang mga kapwa kongresista na igiit ang kapangyarihan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Sa nasabing resolusyon ay 171 kongresista ang lumagda at nagsilbing co-authors nito, habang unanimous naman ang naging botohan nito sa House committee on suffrage.

Nag-ugat ito sa desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing ang tunay na nanalong kinatawan ng Marinduque ay si Lord Allan Velasco at hindi si Congw. Gina Reyes na siyang nakaupo ngayon sa Kamara.

Giit ni Umali na ang HRET na ang dapat na may hawak sa kaso dahil si Reyes ay nakapanumpa na bilang kinatawan ng Marinduque.

Matatandaang tinalo ni Reyes si Lord Alan Velasco na anak ng associate justice ng Korte Suprema na si Presbitero Velasco ng mahigit sa 4,000 na boto.

Sa interpellation na naganap kagabi sa Kamara, iginiit ni Cavite Cong. Elpidio Barzaga na dapat kila­lanin at sundin ang desisyon ng Korte Suprema at pababain muna sa pwesto si Reyes para bigyang daan si Velasco. Agad naman itong kinontra nina Umali, Oriental Mindoro Reps. Doy Leachon at Josephine Sato at sinabi nito na kailanman ang lahat ng election-related protests ay nasa kapangyarihan ng HRET at hindi dapat maiba ang kaso ni Reyes.

CAVITE CONG

DOY LEACHON

ELPIDIO BARZAGA

GINA REYES

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

JOSEPHINE SATO

KAMARA

KORTE SUPREMA

LORD ALAN VELASCO

REYES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with