Binay supalpal kay Ralph Recto, Vi ‘di tatakbong VP
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Supalpal si Vice President Jejomar Binay makaraang pabulaanan kahapon ni Senator Ralph Recto ang napaulat na posibleng tumakbong  running mate ng bise presidente ang kanyang asawang si  Batangas Governor Vilma Santos sa 2016.

Ayon kay Recto, walang kabalak-balak si Governor Vi na sumabak sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.

“Walang plano si Vilma na tumakbo sa 2016, yan ang alam ko…Puro tsismis lang ang sinasabi n’yo, wala akong alam na plano niya,” pahayag ni Recto.

Idinagdag ni Recto na hindi pa rin nakakausap ng kanyang asawa si Binay kaugnay sa plano nito sa susunod na 2016 presidential elections kung saan napapaulat na tatakbo ang bise-presidente.

“Wala di nag-uusap sa pulitikang ganyan. Bu­misita si VP Binay sa Batangas para pag-usapan ang housing concerns ng probinsiya at ng mga munisipyo,”sabi ni Recto.

Inihayag din ni Recto na plano ng kanyang asawa na muling gumawa ng pelikula pagkatapos ng termino nito sa 2016.

“Posibleng magretiro siya sa 2016. Palagay ko gusto rin  niyang gumawa ng bagong pelikula at nakapaglingkod na rin siya ng mahabang panahon sa aming lalawigan,” pahayag ni Recto.

Nagbiro pa si Recto na kung tatakbo man sa 2016 si Governor Vi, posibleng maging mag-running mate sila bilang pangulo at bise presidene ng mga senior citizens.

AYON BATANGAS BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS BINAY GOVERNOR VI IDINAGDAG RECTO SENATOR RALPH RECTO VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with