_ngayon
^

Bunevacz nagsalita na, binugbog din ni Lee

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos ang pitong taon, nagsalita na rin ang  athlete at negosyanteng si David Bunevacz, na nagkaroon din ng away sa negosyante ring si Cedric Lee, na sangkot sa pambubugbog sa actor at TV host na si Vhong Navarro.

Sa pahayag ni Bunevacz, tulad ng sinapit ni Navarro, inakusahan at tinakot din umano siya ni Lee na papatayin maging ang kanyang pamilya kaya nagpasya na siyang umalis ng  bansa.

 â€œLike Vhong, I was wrongfully accused, held against my will, physically violated, terrorized and death-threatened. It was in 2007 when we decided to leave the country for fear of our lives and the lives of our children. It was as if the rug was pulled from under our feet in an instant,” ani Bunevacz.

Si Lee ay naging business partner ni  Bunevacz sa isang cosmetic clinic. Ayon kay Bunevacz naalala niya kay Navarro ang kanyang sinapit sa kamay ng dating business partner.

Nabatid na nagsumite din ng affidavit ang misis ni Bunevacz na si Jessica Rodriguez sa Los Angeles, California, matapos na dumanas ng pananakit ang kanyang asawa mula kay Lee at sa mga business partner nito.

Nakatanggap din umano ng pagbabanta ang pamil­ya ni Bunevacz mula sa cellphone ni Lee at ng kasosyo nitong si Tyrone Ong noong 2007.

Ang akusasyon ay itinanggi ng grupo ni Lee sa National Bureau of Investigation at sa halip ay kinasuhan ng estafa sa paggamit ng pondo ng clinic bilang president at marketing director.

Ang nangyari kay Navarro ay hindi lamang unang pagkakataon subalit umaasa si Bunevacz na ito na ang huling insidente ng mga pananakot at pananakit.

 

BUNEVACZ CEDRIC LEE DAVID BUNEVACZ JESSICA RODRIGUEZ LIKE VHONG LOS ANGELES NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NAVARRO SI LEE TYRONE ONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with