^

Bansa

AFP major ipinaaresto sa Jonas Burgos case

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng QC court na arestuhin si AFP Major Harry Baliaga Jr. kaugnay ng kasong arbitrary detention na naisampa laban dito kaugnay ng pagkawala ng political activist na si Jonas Burgos noong 2007.

“This Court finds that probable cause exists against accused Major Harry Baliaga Jr. and that there is a necessity of placing him under immediate custody in order not to frustrate the ends of justice,” nakasaad sa naipalabas na kautusan ni QC RTC Branch 216 Judge Alfonso Ruiz II.

Pinayagan naman ng korte na makapaglagak ng P40,000 piyansa si Baliaga para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa 14-pahinang review resolution ng korte noong Sept. 3,  nairekomenda ni state prosecutor Gerard Gaerlan na sampahan ng kasong arbitrary detention si Baliaga dahil sa paglabag sa article 124 ng Revised Penal Code at sa tatlong John Does at isang Jane Doe.

Sa resolusyon, sinasabing si Baliaga ay positibong nakilala ng eyewitness na isa sa dumukot kay Burgos sa isang restaurant sa QC noong April 28, 2007.

Sa korte, bigo naman si Baliaga na patunayan ang kanyang depensa na hindi agad siya makakuha ng affidavit mula sa kanyang mga kaanak na siya ay nasa Benguet province nang maganap ang pagdukot kay Burgos.

Sinasabi ni Baliaga sa korte sa ginanap na preliminary investigation, na hindi niya kilala at hindi niya nakikita pa si Burgos.

Gayunman, ayon sa prosekusyon, ang positibong pagkilala ng witness kay Baliaga ay hindi magiging daan para maisantabi na lamang dahil sa kanyang mga pagtanggi at alibi kaugnay ng kaso.

Bukod kay Baliaga, akusado din dito sina dating AFP chief of staff Hermogenes Esperon, dating Army chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, Lt. Gen. Alexander Yano, at dating PNP chief Avelino Razon dahil sa kasong obstruction of justice.

Kasama rin sa reklamo sina Col. Melquiades Feliciano at Col. Eduardo Año.

ALEXANDER YANO

AVELINO RAZON

BALIAGA

BURGOS

EDUARDO A

GERARD GAERLAN

HERMOGENES ESPERON

JANE DOE

JOHN DOES

MAJOR HARRY BALIAGA JR.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with