5.4 na lindol muling naramdaman sa Bohol
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Muling nakaramdam ng intensity 5.4 na lindol ang mga residente ng Bohol kahapon ng umaga.

Kaya hanggang nga­yon ay patuloy na na­ngangamba ang mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan sa halip ay ninanais nilang matulog na muna sa kalsada.

Ayon sa PHIVOLCS, ang naramdamang panibagong 5.4 na pagyanig ay bahagi ng aftershocks na kanilang naitatala na umaabot na sa 2,216 mula ng maganap ang 7.2 na lindol noong nakaraang Lunes.

Ganap na alas-7:03 ng umaga ay naitala ng PHIVOLCS ang magnitude 5.4 na aftershock sa layong 37 kilometro hilagang silangan ng Tagbilaran City, Bohol na ang lalim ng lupa ay umaabot sa 10 kilometro.

Naramdaman ang naturang pagyanig  sa lakas na  intensity 5 sa San Isidro, Bohol; intensity 4 sa Metro Cebu at intensity 3 sa Tagbilaran, Bohol at intensity 2 sa IloIlo City.

Ganap na alas-9:12 ng umaga ay naitala naman ang magnitude 5.2 na lindol sa may 56 kilometro hilagang silangan ng Tagbilaran City Bohol na may lalim ng lupa na 7 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig na ito sa lakas na intensity 3 sa Lapu Lapu City na pawang tectonic ang origin ng naturang mga lindol.

AYON BOHOL GANAP LAPU LAPU CITY METRO CEBU NARAMDAMAN SAN ISIDRO TAGBILARAN CITY TAGBILARAN CITY BOHOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with