PNoy pinasalamatan sa mabilis na relief goods sa Zambales
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Zambales Rep. Jeff Khonghun kay Pangulong Aquino dahil sa atensyong bini­bigay nito upang maresolba ang baha sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Khonghun, malaki ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal ng 1st district ng Zambales sa mabilisang relief goods na ipinadala ng national go­vernment sa mga biktima ng baha.

“I know for a fact that the Aquino administration is doing its best and working fast to help and rehabilitate situation of victims as well as infrastructure and other damages,” ayon pa sa baguhang mambabatas.

Nilinaw pa ng mambabatas, na nakikipag-coordinate na siya sa national government at sa sanda­ling matapos na ang final assessment sa naging damage dulot ng pagbaha ay umaasa ito na magkakaroon ng propose budget ang gobyerno para sa implementasyon at rehabilitasyon.

Ang lalawigan ng Zambales ang isa sa pinaka nasalanta ng habagat na pinalala pa ng bagyong Odette na nanalanta sa bansa noong Sabado hang­gang Lunes.

Dahil sa matinding pag-ulan kayat nagdulot ito ng landslides sa lalawigan na nag-iwan ng kabuuang 33 katao ang namatay.

Tiwala naman si Khonghun na sa pakiki­pagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno ay tiyak na sasailalim sa rehabilitasyon ang Zambales at matutulungang ma­kabangon ang buhay ng mga biktima ng bagyo.

AQUINO AYON DAHIL JEFF KHONGHUN KHONGHUN NAGPASALAMAT PANGULONG AQUINO ZAMBALES ZAMBALES REP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with