Taas sa SSS premiums, pasahe sa MRT at LRT kinondena
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mariing kinastigo ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide ang pamahalaan bunga ng pagpapahintulot nitong maitaas ang pasahe sa MRT at LRT at pagtataas ng SSS premiums ng mga miyembro nito nationwide para lamang makabangon sa naghihinga­long kakapusan sa budget.

Ayon kay Goerge San Mateo, national president ng Piston, ang naturang mga hakbang ay nagpapakita lamang ng dagdag na pahirap ng mga driver at maliliit na mamamayan ng bansa na una nang pinahihirapan ng serye ng pagtataas ng halaga ng gasolina at diesel.

Nagbanta si San Mateo ng isang malakihan at malawakang pagbuhos ng protesta sa mga lansangan upang maiparating sa pamahalaan ang pagkondena sa naturang mga anila’y pahirap na naman sa taumbayan.

AYON GOERGE SAN MATEO MARIING NAGBANTA OPERATORS NATIONWIDE PINAGKAISANG SAMAHAN SAN MATEO TSUPER
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with