^

Bansa

Piloto ng CEB sinuspinde, dinemote

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pilot at co-pilot ng isang eroplano ng Cebu Pacific na sumadsad sa runway ng Davao International Airport noong Hunyo 2.

Kabilang sa pinatawan ng parusa ng CAAP sina Capt. Antonio Roehl Oropesa na suspendido nang anim na buwan at binawalang magpiloto sa eroplano sa loob ng isang taon. Ang co-pilot niyang si First Officer Edwin Pe­rello ay sinuspinde nang tatlong buwan.

Ayon pa sa CAAP, pag­katapos ng anim na buwang suspension at pagsunod sa mga rekisitos para sa pagbalik ng kanyang Airline Transport Pilot License, magiging Second-in-Command na lang si Oropesa sa loob ng isang taon.

Sinabi ng CAAP na hindi umano sumunod si Oropesa sa mga pro­bisyon ng Philippine Civil Air Regulations kaugnay ng “minimum descent altitude.”

Sinabihan naman ng CAAP ang Cebu Pacific na tumalima sa action plan nito na kasasangkutan ng pagtataya sa kanilang accountable executives at station managers. Idiniin dito ang sa operation at itaguyod ang corporate culture na nakatuon sa safety at random sampling of flight crew capabilities.

vuukle comment

AIRLINE TRANSPORT PILOT LICENSE

ANTONIO ROEHL OROPESA

AYON

CEBU PACIFIC

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

FIRST OFFICER EDWIN PE

OROPESA

PHILIPPINE CIVIL AIR REGULATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with