Hamon ni PNoy sa mga new senators: Tiwala ng publiko huwag biguin
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hinamon ni Pangulong Benigno Aquino lll ang mga bagong halal partikular ang mga nagwagi mula sa Team PNoy na huwag biguin at sayangin ang pagtitiwala ng publiko matapos magwagi sa nakalipas na midterm election.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa victory party kamakalawa ng gabi sa Club Filipino, tiwala siyang hindi sisirain ng mga na­nalong senator ng Team PNoy ang pangako noong kampanya.

Umaasa ang Pangulo na itataguyod ng mga bagong kaalyadong senator ang mga nasimulang reporma ng administrasyon.

Ayon sa Pangulo, tiwala siyang magpapatuloy ang pagkakaisa ng mga senador ng Team PNoy at hindi magkawatak-watak na siyang inaasam mangyari ng mga kritiko.

Todo-pasasalamat naman ang Pangulo sa mga nagtaguyod at nagsakripisyo sa kampanya ng Team PNoy lalo aniya kay Sen. Franklin Drilon na nag-iisang “Big Man” sa Senado.

Kabilang sa mga dumating sa thanksgiving at victory party ng Team PNoy sina Speaker Feliciano Belmonte Jr, DILG Sec. Mar Roxas at DOTC Sec. Jun Abaya ng Liberal Party.

BIG MAN CLUB FILIPINO JUN ABAYA LIBERAL PARTY MAR ROXAS PANGULO PANGULONG AQUINO PANGULONG BENIGNO AQUINO SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with