^

Bansa

Apela ng akusado sa Barrameda case, ibinasura ng CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinagbiyan ng Court of Appeals ang hiling ng isa sa mga akusado sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda na pigilan ang Department of Justice  (DOJ) sa pagsasampa ng kasong murder laban sa kanya.

Sa 3-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Victoria Isabel Paredes, ibinasura ng CA 14th Division ang hiling ni Lope Jimenez, tiyuhin ng asawa ng biktima, na magpalabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) o  writ of preliminary injunction kontra sa resolusyon ng DOJ.

Partikular na kinukuwestyon ni Jimenez ang resolusyon ng DOJ na may petsang Agosto  11, 2010 at Disyembre  28, 2012 na  pirmado ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon sa petisyon ni Jimenez, kwestiyonable ang kredibilidad ng nag-iisang testigo sa kaso na si Manuel Montero  at binawi na rin naman nito ang kanyang naunang testimonya kung saan inugnay nito sa krimen si Jimenez, gayundin ang biyenan at asawa ni Barrameda kaya dapat lamang na maharang ang kaso laban sa kanya.

Subalit sa desisyon ng CA, wala umanong matibay na dahilan para pagbigyan ang hiling  ni Jimenez.

Magkakaugnay raw umano ang mga insidente na tinukoy ng petisyuner at ang mga ito ay makakaapekto sa paglutas sa main petition.

Iniiwasan din umano ng CA na magpalabas ng ka­utusan na ang magiging epekto ay pagbasura sa main case nang hindi man lamang dumadaan sa paglilitis.

Binigyan naman ng korte si De Lima ng sampung araw para maghain ng komento, habang si Jimenez naman ay binigyan ng limang araw para magsumite ng reply sa komentong ihahain ng mga respondent.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE VICTORIA ISABEL PAREDES

COURT OF APPEALS

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JIMENEZ

JUSTICE SECRETARY LEILA

LOPE JIMENEZ

MANUEL MONTERO

RUBY ROSE BARRAMEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with