^

Bansa

PNoy nag-ala ‘Santa Claus’sa batang may cancer

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging ‘Santa Claus’ si Pangulong Aquino sa 15-anyos na cancer pa­tient matapos nitong bi­si­tahin kahapon sa Na­ tional Orthopedic Hospital sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, dinalaw ng Pangulo ang binatil­yong si Jericho Rafols na na-diagnose na may bone cancer noong 13 anyos ito.

Sinabi ni Sec. Carandang, ang wish ni Rafols ay makita niya si PNoy dahil ito ang kanyang na­ging idolo kaya nilabanan niya ang kanyang cancer of the bone.

Nabuhayan ng loob ang pasyente ng makita si PNoy sa kanyang campaign slogan noong 2010 presidential elections na dapat ‘ituloy ang laban.’

Sinabi ng ina ng pas­yente, doon lamang pu­­mayag si Jericho na mag­­­pagamot sa ospital hanggang sa putulin ang kanyang kanang hita sa naturang pagamutan.

Sinagot naman ng Pa­ngulo ang lahat ng gas­tusin ni Jericho sa kanyang pagpapagamot pati ang kanyang chemothe­raphy. Kahapon ang ika-53 taong kaarawan ni Pa­ngulong Aquino.

Bukod kay Jericho ay dinalaw na rin ng Pa­ngulo ang pasyenteng si Mario Maniego na 16 taon nang ginagamot sa Ortho­pedic.

 

JERICHO RAFOLS

MARIO MANIEGO

ORTHOPEDIC HOSPITAL

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SEC

QUEZON CITY

RICKY CARANDANG

SANTA CLAUS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with