Tubo ng tubig sa NAIA sumabog
Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinimulan ng mga trabahador sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagkumpuni sa nasirang tubo ng tubig sa may arrival curbside ng Terminal 1 matapos itong sumabog noon araw ng Pasko dakong alas-4:30 ng hapon.

Sinabi ni Airport terminal 1 manager Dante Basanta, inumpisahan ng gawin ang basag na mga tubo na siyang nagbibigay ng supply ng tubig sa mga pa­lingkuran sa arrival area kabilang ang ilang hotel lounge.

Ayon kay Basanta, noong araw isa sa pa­ngunahing problema ng airport ay ang patubig dito dahil umaasa lamang sila sa supply ng deep well sa loob halos ng 30 years pero ng humingi sila ng tulong sa Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ay lumakas at gumanda ang daloy ng tubig sa paliparan.

AYON BASANTA DANTE BASANTA MAYNILAD MAYNILAD WATER SERVICES INC NINOY AQUINO INTERNATIONAL PASKO SINABI SINIMULAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with