Eugene Domingo 'di na magiging pihikan sa lalaki
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sarili muna ang nais unahin ng komedyanteng si Eugene Domingo ngayong 2014.

Dahil sa ganda ng kanyang showbiz career, isa sa mga nais gawing prioridad ni Eugene ay ang kanyang love life.

"I look forward to learning new things. 2014 is all about myself," banggit ng artista na kilala rin sa tawag na Uge.

“Yes, especially the love life! Siguro mas gagawin kong accessible ang sarili ko. At saka siguro mas gagawin kong mas friendly, mas sociable,” dagdag niya.

Sa kanyang tumatandang edad ay nagbiro siyang hindi na siya magiging pihikan sa lalake.

“Sa panahon ngayon hindi na ako namimili. Basta may mga mata, ilong, bibig, tenga, okay naman na,” sabi niya na nagpatawa sa lahat ng nakikinig.

Wala na ngan mahihiling pa si Eugene dahil sa ganda ng 2013 para sa kanya.

Kabi-kabila ang kanyang mga shows at paggawa ng pelikula, kabilang ang entry niya sa Metro Manila Film Festival na Kimmy Dora.

“I’m very happy that I’ve fulfilled my promise that I’ll make movies with my favorite stars,” kuwento ni Uge.

“And Kimmy Dora is a promise to Spring Films, to Piolo Pascual, that yung Kimmy Dora sana mapalabas sa MMFF at natupad ko naman po.”

Bukod sa pelikula, maganda rin ang takbo ng kanyang game show sa GMA7 na "Celebrity Bluff" kasama ang isa pang komedyanteng si Jose Manalo.

Patunay na patok ang kanyang Celebrity Bluff ang natanggap na Best Game Show of the year sa 27th Star Awards for TV.

“I think on the first half of the year I’ll just concentrate on Celebrity Bluff,” banggit ni Eugene. “

BEST GAME SHOW CELEBRITY BLUFF EUGENE DOMINGO JOSE MANALO KIMMY DORA METRO MANILA FILM FESTIVAL PIOLO PASCUAL SPRING FILMS STAR AWARDS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with