Ai-Ai 'di kayang maging friends sa ex-husband
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2013 - 12:58pm

MANILA, Philippines – Taon ang bibilangin bago muling patawarin at gawing kaibigan ng komedyanteng si Ai-ai Delas Alas ang kanyang dating asawa na si Jed Salang.

“Siguro, pagdating ng panahon. Mga five years, 10 years from now,” sabi ni Ai-ai nang makapanayam ng “Buzz ng Bayan” ng ABS-CBN nitong Linggo.

Naghiwalay sina Ai-ai at Jed isang buwan matapos silang makasal Mayo 2012 dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Sa ngayon ay hindi maaaring makausap ni Ai-ai ang dating asawa dahil sa nakuhang permanent protection order habang inaaayos ang annulment ng kanilang kasal.

Inamin ni Ai-ai na natutunan niyang huwag masyado magtiwala sa buhay.

“Doon ko nga na-realize na siguro, move on, na hindi iko-close yung book but only turn the page,” paliwanag ng komedyante.

Samantala, hindi naman inakala ni Ai-ai na seseryosohin ng ibang tao ang pagka-crush niya kay Lui Villaruz na nakasama niya sa isang episode ng fantasy show na “Wansapanataym.”

Inamin niyang nakasama niyang lumabas si Lui ngunti kasama rin naman ang iba pang cast ng Wansapanataym kabilang si Cherry Pie Picache.

“Itong si (talent manager-TV personality) Ogie Diaz, dinalaw ako sa taping. Hindi ko alam na vini-video niya ako. Tinanong niya kung type ko si Edward. (Mendez, her co-star in ‘Kung Fu Divas’) Sabi ko hindi ko siya type kumpara kay Lui,” sabi ng komedyante.

“Hindi ko kasi type yung hindi chinito or mukang Hapon or mukang Chinese. Doon nag-start kasi sabi ko siyempre mas type ko si Lui,” dagdag ni Ai-ai.

CHERRY PIE PICACHE DELAS ALAS INAMIN JED SALANG KUNG FU DIVAS LUI LUI VILLARUZ OGIE DIAZ WANSAPANATAYM
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with