^

Balita Ngayon

5 utas sa pamamaril sa Makati-Pasay bridge

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang katao ang patay matapos tambangan ng tatlong armadong kalalakihan sa tulay na nagkokonekta sa lungsod ng Makati at Pasay ngayong Miyerkules.

Nakilala ang mga biktimang sina Chuckie Dy Cruz, 22; Francisco Cruz, 20; Raymart Saraza, 20; Andrew Lloyd Cruz, 23; at Rogelio Diala, 23, na pawang mga residente ng Magtibay Street, Pasay City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad pauwi mula sa inuman ang mga biktima sa Arnaiz Cementina Dolores Bridge bandang 2:30 ng madaling araw nang paulanan sila ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Dagdag ng mga pulis na sakay ang mga suspek ng dalawang motorsiklo at mga nakasuot ng full-face helmet.

Isinugod pa sa Pasay City General Hospital ang mga biktima ngunit hindi na sila umabot ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 18 basyo ng bala ng kalibre .40 pistol.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pag-atake.

ANDREW LLOYD CRUZ

ARNAIZ CEMENTINA DOLORES BRIDGE

CHUCKIE DY CRUZ

FRANCISCO CRUZ

MAGTIBAY STREET

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RAYMART SARAZA

ROGELIO DIALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with