15 sugatan sa banggaan ng bus sa EDSA-Makati
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2013 - 12:04pm

MANILA, Philippines – May 15 katao ang sugatan ngayong Miyerkules sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa bahagi ng lungsod ng Makati.

Naganap ang insidente bandang 7:20 a.m. sa southbound ng EDSA sa Buendia, Makati City.

Base sa inisyal na ulat, nawalan ng preno umano ang Ralph Benz bus kaya nabangga nito ang likuran ng pampasahero ring bus na Precious Grace Transport.

Dahil sa nangyaring aksidente, naging mas mabigat ang daloy ng trapiko sa southbound ng EDSA na umabot hanggang Ortigas sa Mandaluyong City.

BUENDIA DAHIL EPIFANIO MAKATI MAKATI CITY MANDALUYONG CITY MIYERKULES NAGANAP PRECIOUS GRACE TRANSPORT RALPH BENZ SANTOS AVENUE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with