Bus tumagilid sa EDSA; 5 sugatan
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2013 - 11:51am

 

MANILA, Philippines - Lima katao ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong bus sa gita ng Epifanio delos Santos Avenue sa bahagi ng Boni Serrano Avenue ngayong Miyerkules ng umaga.
 
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), iniwasan ng Nova Bus ang isang taxi kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nito, dahilan upang tumagilid ang pampasaherong sasakyan.
 
Hindi pa kilala ang mga nasugatang pasahero ng bus na pawang dinala sa pinakamalapit na ospital.
 
Pinatindi pa ng naturang aksidente ang malalang lagay ng trapiko sa EDSA.
 
Ayon sa MMDA, agad na nahila sa tabing kalsada ang pampasaherong bus mga bandang 7:09 a.m.

AYON BONI SERRANO AVENUE EPIFANIO METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY MIYERKULES NOVA BUS PINATINDI SANTOS AVENUE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with