^

Para Malibang

Kalayaan sa pag-iisa ni mister

Pang-masa

Kapag engaged ay hindi na makapaghintay na ‘di na kailangang magsabi ng “goodbye” at lalong ‘di na makapagpigil na magkasama.

Pero kapag bagong kasal naman ay feeling ni misis ay ipinagpapalit siya ng asawa tuwing lalabas ng pinto si mister para maglaro ng basketball kasama ang mga barkada nito. Naglalambing pa naman si misis, pero feeling nito ay binasura lamang siya ni mister para magpapawis kasama nga ang mga friends nito sa labas.

Sa paglipas ng ilang buwan ay saka lamang naintindihan ni misis na kapag pinili ni hubby ang maglaro ng basketball ay pabor pa rin ito sa asawa. Dahil pagbalik ng  lalaki ay mas energize at connected sa pamilya na natatanggal din kung anomang depression ang bumabagabag kay mister.

Busy man sa pagtatrabaho si mister kasabay pa ng pagbubutingting sa bahay at  maraming activities sa labas. Pero siya pa rin si mister na umuuwi ng bahay na nahihilom ng kanyang version ng “me time” gaya ng pag-work out, paglalaro ng basketball kasama ng mga kaibigan, at panonood ng movies mag-isa.

Naintindihan na ni misis para maging maayos ang relasyon ay hindi kailangang  mag-translate na laging magkasama. Minsan dapat ay maging champion ang isa, kahit  magkaiba ang hilig o pananaw ng mag-asawa.

Hindi maaalis na mag-demand ng quality, pero bigyan pa rin ng kalayaan si mister na makipag-enjoy kasama ang mga trusted friend nito. Lawakan ang isipan na kailangan din ng quality ng lalaki para sa kanyang pananahimik o mag-isa na hindi ibig sabihin ay  pinapabayaan na niya ang asawa at pamilya. Kundi need lang minsan mag-chill ni mister para makpag-recharge sa sarili nitong paraan.

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with