^

Para Malibang

Zombie Family (335)

Gilda Olividado - Pang-masa

DINADAMBA ng flying zombie ang steel door pero hindi niya talaga makaya.

Yakap naman ni Herman si Laurice at dalawang anak sa loob.

Tiwala siyang hindi sila mapapasok.

“Herman, paano kung sa bubong siya dadaan?”

“Hindi rin niya makaya ang tibay ng bubong ng mga silid ng anak natin. Iba ang materyales na gamit doon, hindi yero. Mga yari rin sa bakal at sementado.”

Nakahinga nang maluwag si Laurice.

Alam na alam pa rin ni Herman kung anong klase ang bahay nila.

“Buti na lang dahil nandirito ka, gusto kong maging private lang ang mga oras natin ng pamilya, pinabakasyon ko muna ng limang araw ang mga katulong at driver.”

“Yes, I’m grateful for that. Pero, kinakabahan ako sa mga kapitbahay natin.”

“What do you mean?”

“Baka sila ang babalingan ni Leilani. Galit na galit siya. Gutom na gutom. Hindi puwedeng hindi niya mairaos ‘yan.”

“Oh, my God …”

“Don’t worry. We’ll do something. Tatawagan ko ang kaibigan ko nang heneral sa Navy ship. Sasabihin ko ang sitwasyon. It will be easy for him to call the military camp in Manila para makapagpadala agad sila ng puwersa rito.”

“And I’ll call the guards. Patatawagan ko sa kanila ang police force. Para may mauuna nang rumesponde rito sa village.”

“Yes, Laurice. Good idea. Kayo, mga anak … try to relax. And pray.”

“Yes, Daddy.”

“Nandirito naman ang mga celfones namin, Daddy. Through social media, maipapaalam natin ang panganib dito sa village. Lalong darami ang magri-respond for the safety of our neighbors or even people in the nearby villages.” Kampante lang naman ang anak na lalaki nina Herman at Laurice.

Ang anak na babae, nagdarasal na. “God Almighty, help us. Jesus, kayo na po ang bahala.”

Binalingan ng flying zombie ang lahat ng kagamitan sa salas, sa kusina. Pinaghahampas ng kanyang mga malalaking  pakpak habang paikot-ikot siya sa kabahayan ng paglipad.

Kaya narinig ang sobrang ingay ng mga katabing bahay nina Laurice at Herman.

“Ano ‘yon?”

“May nangyayari kina Laurice! Alamin mo nga, darling. May responsibilidad tayong tulu­ngan sila!” Naalarma ang ginang.

 Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with