^

Para Malibang

Zombie Family (327)

Gilda Olividado - Pang-masa

BUMALIK sa isla si Herman.

Inutusan uli ang mga body parts. “Bumalik kayo sa paghahanap kay Nikolai. Buhay man siya o patay. Nakapagpahinga na rin kayo ng dalawang araw, nakikiusap ako na dagdagan pa ninyo ang sakripisyo.”

Sabay-sabay na tumango ang mga body parts.

At lumusong na uli sa dagat.

Dahil laging may nagmo-monitor sa kanila sa teleskopyo, nakita sila.

“General, nasa dagat ho uli ang mga body parts.”

“Bakit kaya?”

Nag-ring ang celfone ng general, si Herman.

“Herman …”

“Pinapahanap ko ho uli sa mga body parts si Nikolai.”

“Pero negative na tayo sa task na iyan, Herman.”

“Hindi pa ho ako puwedeng sumuko, General. For personal reason ho. Importante ho kasi si Nikolai sa pamilya ko.”

Natigilan sandali saka nagdisisyon ang heneral. “Ang mga body parts naman ay hindi maituturing na tao. Kaya hindi sakop ng military ang disisyon mo. Wala naman silang ii-endanger na tao, hayop o ibang bagay kaya puwede naman, Herman.”

“Salamat, Heneral.”

“Kaya lang …”

“May problema, Heneral?”

“Bubulabugin ng mga body parts ang dagat, ilang araw ba silang maghahanap? Baka masisira na ang mga corals, matatakot ang mga isda, lumayo? Saka paano na naman ang mga mangingisda? Babawalan ko na naman ba sila sa bahagi ng dagat na iyan?”

“Kapag nasa tubig ho ang mga body parts ay para rin ho silang mga isda. Nagsi-shrink ho sila kaya kahit marami, hindi nakakaagaw ng space. They blend almost perfectly kung ano man ang environment na kinaroroonan nila. Kita n’yo naman ho siguro ang lambot nila, Heneral … meron talaga silang pambihirang characteristics.”

“Maari ba akong maglagay din sa dagat ng dalawa kong divers para mag-monitor sila? Hindi pa man hinihingi ng mga nakakataas sa akin, gusto ko na iyang paghandaan. Alam mo na naman, Herman … kahit pa walang undesirable incidence na nilikha ang mga body parts kailangan pa rin silang bantayan. Maniniguro lang tayo.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with