^

Para Malibang

Pangarap ni mister, suportado ba ni misis?

Pang-masa

Madalas ay hindi handa ang mga misis sa mga activities ng kanilang mister maging ito ay mapa-sports o mabigat na performance sa trabaho.

Imbes na ma-appreciate ang talent ni mister ay nauunahan ng kaba o takot si misis na hindi mapakali.

Habang nasa gitna ng tournament ay nararamdaman ni misis ang pagiging malamig ng asawa. Kahit kinakamusta ni misis ang game ni mister ay kibit balikat lamang ang tugon nito. Nag-iba ang moment nang tumawag ang kaibigan ni mister na ka-buddy nito sa tournament at saka excited na nagkuwento sa kanyang laro.

Pagkatapos ng tawag ay inusisa ni misis ang ugali ng asawa, pero ikinagulat nito ang sagot ni mister na sinasabing hindi siya nito sinusuportahan. Ang takot ni misis sa game ni mister ay validation na tingin ng lalaki na walang pakialam sa kanya si misis.

Kung may pangarap si hubby ay nagsi-share ito sa kaibigan na hindi siya huhusgahan at tatanggapin ang kanyang strength at kahinaan. Gusto naman talaga ni misis na magbigay ng suporta kay mister, pero naunahan siya ng takot at nerbyos na baka mapahamak ang asawa. Kung ikaw ang klase ng misis na natataranta ay kailangang kumalma na alamin muna ang mga ilang bagay.

Huwag agad magsabi ng “no” sa bawat idea na gustong gawin ni mister. Tanungin muna ang asawa sa kanyang plano at ano ang puwedeng gawin. Upang malaman sa sagot ni hubby kung ang activities ay puwedeng maging seryoso, delikado, o magiging exciting. Ang mahalaga ay alam ni mister na susuportahan siya sa kanyang activities sa mundong ginagalawan nito sa labas ng comfort zone ng mag-asawa.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with