Anak na binubugaw sa foreigner
Dear Vanezza,
May BF ako na mahal ko, pero gusto ni mama ay hiwalayan ko at i-entertain ko ang biyudong foreigner na katrabaho niya na type ako. Malaking tulong sa pamilya ko kapag sinagot ko ang matandang foreigner na mabait sa magulang ko at sa mga kapatid ko, pero paano naman ang BF ko na kahit mahirap ay mahal ko. Naguguluhan ako, ano ba ang gagawin ko? - Aileen
Dear Aileen,
Puwedeng panindigan ang relasyon mo sa iyong nobyo. Maaari rin makipag-break muna kay BF upang makapag-isip ng iyong gagawin. Saka magdesisyon ng inaakala mong tama.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest