^

Para Malibang

Zombie Family (281)

Gilda Olividado - Pang-masa

PARA kay Herman, nagtagumpay sila.

Hindi umagos ang dugo sa kanilang isla. Walang napatay ang flying zombie.

Napatingin sa krus si Herman, lumapit siya rito.

Naluha siya.

Lumuhod.

“Naiintindihan ko na, Diyos ko. Hindi sa­yang ang pananatili ko rito. Pinaninindigan ko ang gusto ninyong patunayan. Na kahit ang isang napakasama, sa inyong kapangyarihan ay puwede pa ring maging mabuti.”

Tumingin siya sa mga body parts na ngayon ay halos siksikan na sa kinatatayuan ng malaking krus.

“Galing sila sa isang napakasamang babae. Pero nang maging pira-piraso si Marga,  nilagyan mo ng buhay ang mga pira-pirasong iyon. At binigyan mo ng kabutihan ang buong pagkatao nila.”

Tuluyang humarap si Herman sa mga body parts.

“Mabuhay ang Krus! Mabuhay ang Diyos! Lahat tayo ay lumuhod, mag-sign of the cross, yumuko. Kung may puso ako, alam kong may puso rin kayo. Makinig kayo sa puso ninyo. Dahil nandodoon ang Diyos.”

Sinunod naman ng mga body parts ang lahat na sinabi ni Herman.

Lumuhod ang mga ito, paharap sa malaking krus na malapit kay Herman.

Nag-sign of the cross ang bawat body part.

Marunong sila dahil noon pa nila nakikita si Herman na ginagawa ito.

Saka yumuko ang lahat.

Sa isip, tinawag ang Diyos.

At nagsimulang magdasal ng malakas si Herman.

“Our Father … who is in heaven … holy is your name …”

Bawat salita ni Herman ay sinundan ng mga body parts.

Hanggang sa matapos ni Herman ang kumpletong Lord’s prayer.

Tumayo si Herman mula sa pagkakaluhod.

Tumayo rin ang lahat na body parts.

Naluha si Herman, ramdam na ramdam niya ang presence ng Diyos sa isla.

“Hindi tayo tinalikuran ng Diyos. Nandirito sa atin ang Diyos. Ngayon din. Kaya wala na tayong dapat ikabahala. Kahit ang mga anak ko, lalo akong hindi nawawalan ng pag-asa sa kanila. Gagaling sila. Babalik din sila sa dati. At magiging mga mabubuti pa silang tao at anak. Sigurado ako riyan.”

Pero ang matalinong flying zombie ay nagpapalakas lang pala. Nasa isang magubat na lugar ito, malayo rin sa mataong lugar. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with