^

Para Malibang

Zombie Family (280)

Gilda Olividado - Pang-masa

PAREHONG ma­lakas, hindi matapos-tapos ang pagbubuno ng isang taong nasa lupa at isang flying zombie na ang katawan at mga pakpak ay nasa ere pa rin.

Pero dumating na ang mga body parts na tutulong kay Herman.

Hindi sila malalakas, hindi sanay sa laban, walang galit at bangis sa katawan.

Pero may utak naman.

Dumakot ng buhangin ang mga ito.

Nasulyapan iyon ni Herman, alam niya ang gagawin ng mga body parts.

Kaya habang pigil-pigil pa rin ang mga kamay ng flying zombie, pumikit siya.

Pagsaboy ng mga body parts ng buhangin sa flying zombie na dilat na dilat ang mga mata, tinamaan ito.

Pero si Herman, hindi. Dahil nakapikit siya.

Sunud-sunod na pagsaboy ng buhangin ang ginawa ng mga body parts kay Leilani.

Hanggang marinig nila ang nakakakilabot na sigaw at daing nito. Nasaktan, nabulag na sa kasalukuyan.

Naramdaman ni Herman ang pagbitiw ng mga kamay nito.

Nagbukas siya ng mga mata dahil tumigil na rin naman sa pagsaboy ng buhangin ang mga body parts.

Nakita nila ang mabilis na paglipad ng flying zombie palayo habang sumisigaw pa rin.

Talagang nasaktan.

Magkahalo ang sakit at galit … dahil natalo siya. Ang dapat asahan, babalik ito.

Para makaganti.

Ang kinatatakutan ni Herman, baka hindi muna sa kanila gaganti. Hindi muna sila babalikan.

Ang galit ay ibubunton sa ibang hindi makakalaban.

Nanlumo si Herman, talaga nga palang matinding problema at panganib ang flying zombie.

Pero natuwa na lang muna siya dahil ang kaninang mga napabagsak na body parts ni Leilani sa pagsugod sa kanya ay mga buhay naman pala.

Nagbalik ang lakas. Mga nakatayo na.

Naging emotional si Herman, utang niya ang buhay niya sa mga body parts ni Marga.

Hindi na mahirap sa kanya ang pag-unawa. Na ang mga body parts ni Marga ay kalooban ng Diyos para ang isang masama ay magiging mabuti pa rin pala.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with