‘Misis’ Sumama sa Iba
Dear Vanezza,
May problema po ako sa aking anak na lalaki. Iniwan siya ng kanyang ka-live in at nasa akin ang tatlo nilang anak. Lagi po siyang umiinom at nakikipag-away. Parang ayaw na niyang mabuhay. Ano po kayang mabuting gawin para limutin na niya ang babaeng yun? Ang balita ay sumama ito sa ibang lalaki. - Loren
Dear Loren,
Ngayon ay higit na kailangan ng tulong n’yo bilang kanyang pamilya. Mas ipadama sa kanya ang inyong pagmamahal at pag-aalala. Ipaunawa sa anak na hindi dapat madamay ang mga bata sa kasalanan ng kanilang ina. Hindi niya dapat pabayaan ang mga anak. Ipagpasalamat niya na hindi siya kasal sa babaeng yun. Hindi pa katapusan ng mundo makakatagpo pa siya ng babaeng matino na mamahalin siya anuman ang nakaraan niya.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest