Zombie Family (271)
NATIGILAN ang kapitan. “So panganib pa rin sila?”
“But I can handle them. Mga anak ko sila. Hindi ko sila pababayaan. At isinusumpa kong babalik sila sa pagiging normal na tao.”
Tumango ang kapitan. “Ipagdadasal kong mangyayari iyan, Herman. At may tiwala ako sa mga salita mo. Hayaan mo, naparito kami bilang bisita na nangangailangan ng tulong o payo mo. Wala kaming aarestuhin. Kaya pumanatag ka sana.”
“Ako rin, may tiwala sa mga salita mo, Kapitan. Doon po tayo sa kubo ko. Naghahanda na po ang mga body parts ng pagkain para sa inyo.”
“Salamat, Herman.”
“Doon na rin ho natin pag-uusapan ang kailangan ninyo sa akin.”
KAHIT gabi ay nasa labas ng bahay ni Laurice si Nikolai. May oras sila ng security guard sa pag-ikot sa paligid.
Sa pagtingala sa langit.
Sinisigurong walang lumilipad na zombie na bubulusok.
“Dalawa naman kayong nagpapalitan, tiyakin n’yo lang na hindi kayo parehong makakatulog. Mahirap na.”
“Opo, Sir. Talaga hong paggising siya, saka lang ako natutulog. At pag gising naman ako, saka lang din siya natutulog.”
“Good. Sige ho, papasok na ako, matutulog na ako sa guest room.”
“Yes, Sir.”
Natutulog man si Nikolai sa loob ng bahay ni Laurice, sa guest room lang talaga siya.
Kahit nga halikan ay natatakot silang gawin iyon. Dahil kailangang matiyak na si Laurice ay hindi matutulad kina Leilani at Marga.
“Nikolai …”
“Laurice, gising ka pa?”
“Tinimplahan kitang kape. Ito man lang ang bonding natin.”
Tinanggap naman ng binata ang isang tasang kape. “Thanks, Laurice. This is already something special to me.”
“Mag-iingat ka kapag nasa labas ka, ha? Ang dalawang security guards, sana hindi sila mapahamak. Grabe itong nangyayari. Napakahirap na kalaban ang flying zombie, Nikolai. Mas ilang beses na dangerous kaysa karaniwang zombie.”
“Pero lalaban ang lahat sa panganib na ito, Laurice. Kaya dapat malakas ang loob natin. Kung ano mang masamang puwersa ang gumagawa ngayon sa Pilipinas, dapat hindi siya magtagumpay.”
Itutuloy
- Latest