Hotdog Steak
Marami sa atin ang nagsasawa na sa pangkaraniwang pritong hotdog kaya naman marami ang nakaisip na bigyan ito ng bagong pakulo at isa na nga rito ang hotdog na may ketchup at toyo.
Ang hotdog steak ay perfect na ipartner sa sinangag. Maaari rin itong ipampulutan sa tuwing may okasyon o kahit sa simpleng hapunan kasama ang pamilya.
Ingredients:
8 pieces ng Red hotdogs (Filipino style), nakahiwa na
1 Sibuyas
2 Bawang
5 kutsara ng toyo
3 Calamansi juice
5 kutsarang ketchup
3 kutsrang asukal
1 Paminta
Paraan ng pagluluto :
Una munang iprito ang hotdog at itabi. Maggisa ng bawang at sibuyas, ilagay ang naluto nang hotdog, timplahan ng toyo, calamansi, at paminta.
Kapag lumapot na ang sauce ay pwede nang ilagay ang ketchup at asukal.
I-serve ito kasama ang mainit na kanin. Burp!
- Latest