^

Para Malibang

Zombie Family (257)

Gilda Olividado - Pang-masa

INIWAN sila ng mga body parts. Nag-uusap ng masinsinan sina Herman at Nikolai.

“Ano ang ipinagdadasal mo, Herman?”

“Na kung talagang para sa ikasisiya ng asawa ko, bigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob na … bitiwan siya.”

Napatango si Nikolai.

Tinitigan siya ni Herman, seryoso. “Pero kapag gagawin ko iyon, hindi iyon basta madali para sa iyo. Kailangan hindi ka lang mangako pero may tatawagin tayong trial test.”

“Trial test?”

“Oo Nikolai. Six months na maging special friends lang kayo ni Laurice pero aalalayan mo na siya pati mga anak namin. Maging honest ka sa loob ng six months na ito kung talagang karapat-dapat kayong magmahalan. At kung karapat-dapat ka ring maging replacement na ama ng aking mga anak kay Laurice.”

Napaisip si Nikolai pero hindi naman siya nahirapang magdesisyon. “I don’t think there’s a problem. Oo, gagawin, patutunayan ko.”

“Kaya wala munang annulment dahil hintayin natin ang six months kung maging maayos ba ang lahat.”

“Pero hindi kaya another delay lang ‘yan? Gusto mo lang hindi kaagad mapa-annull ang marriage ninyo dahil ayaw mo talaga siyang pakawalan?”

Napatiim-bagang si Herman. “Sa mga pinagdaanan ko, ma-imagine mong manloloko pa ako? Ayokong maging selfish kay Laurice kasi mahal na mahal ko siya. At napakarami ko nang kasalanan sa kanya pati sa mga anak namin. Hindi naman ako ganoon, Nikolai.”

Naramdaman naman ni Nikolai ang sincerity ni Herman. “Okay. Usapang matino at lalaki ito. Payag ako.”

“Salamat. Kailan ka aalis?”

“Pagabi na. Kaya bukas ng umagang-umaga.”

“Alright. Safe ka ba pabalik?”

“Oo. Nakapunta ako dito na buhay, makakabalik ako sa pinangga­lingan ko na buhay din.”

“Mabuti naman. Mamayang hapunan, palulutuan kita sa mga body parts ng mga masasarap na isda. At masasarap na saging at iba pag prutas. Mamimitas sila sa maliit na gubat.”

“Salamat, Herman. Puwede rin ba akong makapamasyal-masyal sa paligid since paalis na ako bukas? Pero huwag mo na akong pasamahan para naman enjoy ako sa pamamas­yal alone.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with