^

Para Malibang

Season of stress ng kapaskuhan

Pang-masa

Bago pa ma-hectic ang schedule sa paparating na holidays season, huwag mag-panic. Ang iba ay nababalisa na patungkol sa holidays events na gagawin. Puwedeng nag-aalala rin sa pagbisita ng ibang kamag-anak.

Ang totoo, ang kultura at lifestyle ng marami ang nagbibigay stress tuwing holiday seasons. Kaya imbes na ma-enjoy ang selebrasyon ay nagiging season of stress. Ano nga ba ang gagawin para mawala ang stress upang mailabas ang totoong spirit ng Thanksgiving at Christmas bago pa dumating ang okasyon? Kailangan lamang babaan ang expectation.

Ang media ay madalas ang gumagawa ng vision ng holidays na ang picture ng pamilya ay nagsasama-sama sa sala sa ilalim ng Christmas Tree o mesa kasama ang mga masasayang bata na nagbibigayan ng regalo. Habang nakamasid sa white Christmas. Para bang hindi masaya ang Pasko  kung walang handaan o bigayan ng regalo na nakapokus na lamang sa materyal na bagay.

Madalas ay malayo ito sa katotohanan lalo na kung nagsasama ang pamilya na may sakit, nag-aaway ang mga bata sa mga laruan, wala si tatay o nanay, may bisitang kamag-anak na hindi naman kilala, at ang daming nakalinyang schedule, at tapos may biglaang emergency pero walang pera.

Kailangan lang naman na ma-define na dapat ay malapit sa katotohanan ang expectation ngayong paparating na season.

Puwedeng pag-usapan kung ano ang gagawin. Tanungin ang sarili kung anong magpapasaya sa iyo sa simpleng paraan.

Paano nga ba ibaba ang expectation sa relasyon sa halip na madismaya sa dinidikta ng commercialize na Pasko. Bakit hindi ihanda ang mga anak na maintindihan ang totoong kahulugan ngayong season.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with