^

Para Malibang

Zombie Family (252)

Gilda Olividado - Pang-masa

TALAGANG hindi iniiwan ni Laurice ang nasunog na bahay ni Leilani hanggang hindi matiyak kung ano nangyari rito.

Nang matapos ang  forensic, lumapit agad si Laurice.

“Kumusta ho? Nasaan ang kaibigan ko?”

“Kaibigan ka lang? Wala ba siyang malapit na kamag-anak o asawa?”

“Medyo magulo ho ang buhay niya. Sa akin po siya nagku-confide ng problema. Ano na ang nangyari?”

“Nandiriyan ang tupok na niyang bangkay.”

Nanlumo si Laurice.

Pero parang gusto na rin niyang makahinga nang maluwag.

May naisip siya.

“At least, patay talaga siya. Hindi siya nawawala. Ibig sabihin, normal ang kanyang pagkamatay? Hindi siya naging zombie?”

Sinarili lang niya ang tanong na ito.

“Ano na po ang gagawin sa kanyang bangkay?”

“Susuriin pa rin bago ibibigay sa kamag-anak. O kaya diretso na sa pune­rarya.”

“Kapag ho walang mag-aangkin sa kanyang bangkay, ako na lang ang mag-aasikaso. Para mabig­yan siya ng disenteng libing.”

“Meron ka sigurong dapat gawin na statement, pipirmahan mo at ibibigay mo sa tamang ahensya. Para magkaroon ka ng tamang karapatan, Ma’m.”

“Sige po. Gagawin ko po ‘yan.”

Lungkot na lungkot din si Laurice sa nangyari sa kaibigan. At kinikilabutan din siya para sa kanyang sarili.

“Hindi pa rin ako sigurado kung walang mangyayari sa akin ng tulad ng nangyari kay Marga kung itutuloy ko ang bawal na pakikipagrelasyon kay Nikolai.”

Ginawa ni Laurice ang lahat na dapat gawin para maayos ang kaibigan.

Siya ang nag-asikaso para madala ito sa morge.

Siya rin ang magsi-set up ng disenteng funeral.

Ang kabit ni Leilani na may asawa ay hindi man lang tumawag o nagpaki­ta. Walang paramdam.

Naisip ni Laurice na hindi nito napanindigan ang relasyon kay Leilani kaya nananahimik na lang.

Baka ayaw madamay. O kaya may takot pa rin sa asawa.

“Hinde bale, basta mailibing ko lang nang maayos ang kaibigan ko, okay na. Matatahimik na siya.”  Iyon ang akala niya, na wala nang mangyayaring masama.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with