^

Para Malibang

Zombie Family (251)

Gilda Olividado - Pang-masa

PATULOY ang pagtatanong ng on the spot police investigator kay Laurice. “Paano naman ho napapasali dito si Marga, ang zombie?”

“Officer, may duda lang ako. Ang kailangan lang ho muna talaga ay makita ang kanyang bangkay just in case … may nangyaring masama sa kanya.”

“Mamaya-maya pa siguro. May forensic nang pumasok sa loob ng yellow line.”

“Maghihintay po ako ng report nila, dito lang po ako.”

“Sige, babalikan kita pag may mga itatanong po ako. Or kaya, baka kailangan kitang isama sa presinto. For a more formal questioning. Okay lang ba sa iyo? Hindi ka naman suspect. Iniisip ko lang, baka makatulong ka sa pagbibigay natin ng paliwanag sa nangyari.”

“Handa po ako. I’m very willing to help.”

MALAYA namang nakakalakad si Nikolai sa isla pero kapag napapalapit na siya sa kinaroroonan ng dalawang teenagers, humaharang na ang mga body parts.

Kaya napapaisip si Nikolai. “I’m sure, sa area na ‘yon nakapirmi ang mga anak nina Herman at Marga. Kaya ayaw akong papuntahin. For my own safety, naiintindihan ko naman.”

At hindi naman siya sumusuway sa pagharang ng mga body parts. Hindi siya namimilit na puntahan ang ayaw nilang puntahan niya.

Nakakakain siya ng masarap.

Kapag gusto niyang mangisda sa dagat doon sa mga batuhan na napakaraming malalaking isdang nagsisiksikan, hinahayaan siya.

Nai-enjoy niya tuloy ang isla.

Nag-iihaw siya ng mga isda. Sapat lang para sa isang meal. Ayaw daw kasi ni Herman na magpakasuwapang sila sa pagkuha ng mga kabuhayan at pagkain sa isla.

Humanga siya sa disiplinang pinapairal ni Herman at gusto niya itong laging igalang.

May mga body parts na dumating. May dalang dalawang mala-laking atis.

“Para sa akin? Thanks. Ang sariwa ng mga ito, a. Mukhang ang sarap-sarap. Aba, tataba ako rito. Hindi nga nakakapagsising pumunta dito. Very okay ang pagtanggap ninyo sa akin.” Masayang tinanggap ni Nikolai ang mga atis.

“May litsong manok na native akong dala. Niluto ko na doon.” Big-lang dumating si Herman.

Umupo na ito sa tapat ni Nikolai. “Wala namang masama kung magkukuwentuhan lang tayo. Baka magkakaintindihan naman.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with