^

Para Malibang

Zombie Family (250)

Gilda Olividado - Pang-masa

SHOCKED si Laurice.

Kilabot na kilabot.

“My fear is confirmed. May makapangyarihang masama na nagpapakilos ng mga nangyayaring hindi maganda! My God!”

Dahil kaibigan niya si Leilani at siya ang huling kausap nito bago tinamaan ng kidlat ang bahay, naisip ni Laurice na may obligasyon siyang magmalasakit pa nang husto dito.

Hindi siya nakuntento na alamin lang sa balita ang lahat.

Pumunta siya sa lugar na iyon.

Magulo nang duma­ting siya. May mga bom­bero.

Nakita niya ang halos abo nang bahay.

May mga pulis na rin. Ang mga kapitbahay ay nagkakagulo. Maraming nag-akala na pati mga bahay nila ay matutupok din.

Hindi pa rin makapaniwala si Laurice sa nakikita niya.

Nilapitan  niya ang isa sa mga pulis na nandodoon. “Sir, close friend ko ho si Leilani. Ano na ho ang balita sa kanya?”

“Hindi pa namin masasabi. Wala pang nakakita sa kanya na buhay. O lumabas na buhay sa kanyang apartment.”

“Kausap ko po siya, Sir … nang may nari­nig akong napakalaking pagsabog. At doon na ho naputol ang linya.”

“So may alam ka ka­yang … kaaway niya?”

“May  nasasaktan po kasi sa pakikipagrelasyon niya. Ang asawa po ng lalaki. Pero hindi ko po sasabihin na ang nalokong asawa ang gumawa nito. Baka nga ho isang masamang out of this world na entity.”

“Misis, hindi puwede sa police report ang ganyang mga paniniwala, ha?”

Tango naman si Laurice. “Hindi rin ako naniniwala noong una pero marami na akong napatunayan. Tulad na tulad ng kay Marga ang nangyari.”

“Marga?”

“Ang zombie ho. Iyung mga naging body parts na ngayon sa isla. Na kinaroroonan din ho ng asawa kong si Herman.”

“Bakit, sino ka ba?”

“Ako ho ang wife ni Herman.”

“At kaanu-ano mo nga uli ang Leilaning ‘yan?”

“Kaibigan ko po. Sa akin po siya nagku-confide. Kaya alam ko po ang pinagdaanan niya. Alam ko po na … kabit din siya tulad ni Marga.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with