World’s Largest Outdoor Pool Matatagpuan sa Chile!
Kilala ang bansang Chile dahil sa magaganda nitong landscapes at hotsprings, pero hindi lang ito ang dahilan kung bakit sikat ang nasabing bansa.
Dito rin kasi matatagpuan ang pinakamalaking swimming pool sa buong mundo.
Sa San Alfonso del Mar resort makikita ang sinasabing world’s largest outdoor pool.
Taong 2006 nang mag-operate ito, at simula noon, hindi na ito nawawalan ng mga turistang bumibisita.
May haba itong 1 kilometre (3/5 mile) at sakop nito ang lawak na 7.7 hectares (19 acres). Meron itong 250 million liters (66 million gallons) ng tubig dagat.
Idinibelop ng Chilean company na Crystal Lagoons ang nasabing pool at gumagamit sila ng water pump para salain at linisin ang tubig mula Pacific Ocean na nagsisilbing supply nito.
Mahigit US$ 3.5 million o P179-M kung iko-convert natin sa Philippine peso ang kanilang ginastos habang itinatayo ang sikat na pool.
Para naman sa mismong pool lang ay nakagastos na sila ng €2.8 million o P159-M.
Halos $1.5 hanggang 2 billion naman ang inabot ng buong construction, habang ang annual maintenance nito ay umaabot sa mahigit $4 million USD o P204-M.
- Latest