^

Para Malibang

Zombie Family (245)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-UUSAP pa rin sa mga batuhan ng dagat ang dalawang lalaking nagmamahal.

“Gaano mo ba kamahal ang asawa ko?”

“So much. Ikaw, gaano mo pa kamahal ang asawa mo?”

“Ayoko ng tanong mo. Iba ang tono.”

“An honest question. Na sana kaya mong sagutin. Kasi pag sinabi mong mahal na mahal mo, ang susunod kong tanong ay … bakit hindi ka pa umuuwi sa kanila? Iwan ang lahat dito para sa pagmamahal sa totoo mong pamilya?”

“Mahal na mahal ko si Laurice. I miss her so much. And our children, too.”

“Then why are you still here? Sa piling ng mga body parts ni Marga. At sa inyong mga anak.”

“I feel so responsible. Ang gusto ko lang naman, matiyak araw-araw na ganito lang kapanatag sa isla. Walang mananakit sa mga body parts at sa mga anak ko. Dahil hindi na sila mapanganib. Kailangan ko lang talagang matiyak na walang gagawin ang mga anak ko at body parts ni Marga na magti-trigger sa mga sundalo para paputukan ng mga baril o bomba silang lahat dito.”

“Sila pa rin talaga ang mas mahalaga. Hindi si Laurice at ang mga anak mo sa kanya.”

“Wala silang panganib doon, Nikolai. They are living a normal life.”

“Pero malungkot. Masama ang mga loob. Nagtataka kung bakit hindi mo sila mapili-pili.”

Hindi makasagot agad si Herman.

“Nakikiusap ako, Her­man. Palayain mo na si Laurice. Let me take care of her pati mga anak ninyo.”

“Hindi ganoon kadali.”

“Then hindi ako aalis dito sa isla hanggang hindi ka pumayag.”

Nainis si Herman. “Nandirito ang mga anak ko. At alam mo naman siguro na zombies pa rin sila. Kapag natiyempuhan ka, they will eat you. At ayokong mangyari iyon. Hindi dahil sa pinuprotektahan kita. Kundi pinuprotektahan ko ang mga anak ko.”

“I’m sorry, Herman. Pero hindi puwedeng matakot ako. I have a noble intention for Laurice and your children. Hindi ko kailanman ‘yon isusuko.”

“Puwede kitang ipatapon sa dagat.”

Tumayo nang tuwid si Herman, naghahamon. “Tingnan ko kung makakaya mong gawin iyon. Lalaban ako.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with