Zombie Family (243)
NA-TRAP si Nikolai ng mga body parts.
Marami. Napakarami.
Namangha siya, noon pa siya curious sa mga body parts na ito.
“So … you are the resurrected good side of the zombie. Mababait kayo, hindi nakakatakot ang inyong anyo, hindi kayo magalaw ng mga sundalo dahil kahit kapiranggot ay wala pa kayong ginawang masama. Pero … ano’ng balak ninyo sa akin ngayon, ha?”
Walang umiimik sa mga body parts. Nakaharap lang sila kay Nikolai. Siksikan. Tinitiyak na hindi makakalusot ang binata.
“Pero kung hindi kayo gumagawa ng masama, kung hindi ninyo ako sasaktan, bakit ninyo ako pinapaikutan.”
Noon siya may narinig na boses na pamilyar na rin sa kanya.
Ang boses ni Herman.
“Excuse me … please, let me pass. Gusto kong makita ang ating bisita. Or shall I call intruder?”
Nag-give way naman ang mga body parts, naghiwalay sila sa gitna para makadaan si Herman.
Nabigla si Herman. “Nikolai? Ikaw?”
“I just want to talk to you. Usapang lalaki sa lalaki.”
Kumunot ang noo ni Herman. “On what?”
“Hindi what? Kundi sino.”
Parang alam na ni Herman. “About my wife?”
“Should you call her that? Herman, nag-iisip ka pa ba? You abandoned her. Kahit sa ano pa mang dahilan, iniwan mo siya. Pati mga anak mo.”
“Because I want to be a hero. Ang dami nang napatay ni Marga at kung hindi ako humarang, mas dadami pa. I need to be with her.”
“Paano ang asawa mo? Ang mga anak mo? Look, hindi ako nandirito para makipagtalo sa iyo. Kaya naman kitang unawain, e. And what you’ve been doing is great. It’s even right. Kaya lang kahit tama may mali pa rin. May mga nawawalan. Nag-iisa na lang si Laurice, ang mga anak mo, walang father figure. And … I can give them kung ano ang mga kulang.”
Natigilan si Herman. Nabigla kahit parang alam na niya kung bakit nagpunta dito sa isla si Nikolai.
At hindi napigilan ang buhos ng damdamin.
Mahal na mahal pa rin niya si Laurice. Hindi madaling pakawalan.
Sinuntok niya si Nikolai, napakalakas, halos matumba sa buhangin si Nikolai.
Itutuloy
- Latest