^

Para Malibang

Zombie Family (234)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANG nakita ni Nikolai ang takot ni Laurice, naintidihan niya ito. “So that means, kung gusto mong matuloy itong ating relasyon, kailangang masabi mo kay Herman, the intention to get an annulment from him.”

“Pero paano? Pupunta ako sa isla? O susulatan ko siya. Hihilingin ko sa mga sundalo sa navy ship na puntahan nila sa isla si Herman o kaya … pabigyan ito ng mensahe na gusto ko ng annulment? That’s so crazy, Nikolai.”

“I know. Pero paano tayo? Gusto ko rin namang ipag laban ang ating relasyon. Alam ko kasi, iba na talaga ang buhay na pinili ng asawa mo.”

“Maybe tama ka. Ilang beses na niyang pinili si Marga, noon pa mang zombie ito na dangerous. Kahit pa sabihing gusto lang niyang mapigilan na maraming mapapatay at makain si Marga, iyon pa rin ‘yon. That she was the chosen one. Talo ako doon.”

“And that maybe dahil mahal ka naman ni Herman at gusto niya ng mas tamang buhay para sa iyo, gusto ka na rin naman niyang palayain. Hindi nga lang niya nai-communicate iyon. Dahil walang tamang paraan para magkausap kayo.”

“That’s true. Wala pa naman talaga silang pinapa­puntang tao sa isla kahit ang mga body parts ni Marga ay hindi raw pumapatay at kumakain.”

“Pero ang latest information ay nakarating sa isla ang mga anak nila, right? Nandodoon sila ngayon.”

“Iyan nga ang nabalitaan natin.”

“Ibig sabihin, kung ang mga batang iyon ay nakarating sa isla, may paraan. I can do that, too. Para ako na magsabi kay Herman.”

“Nikolai, kung hindi ka dadaan sa tamang proseso, mali iyon.”

“Okay … I might … talk to my access to the military. Baka puwede akong humingi ng au­dience sa mga decision makers. Baka payagan nila akong pumunta sa isla.”

“Nikolai, on what ground? Iyon ngang dahil gusto ko ng annulment? Gusto nating magkaroon ng tamang dahilan para maging tayo na? Para hindi na ako matatakot na ang nangyari kina Marga ay mangyayari rin sa akin at baka pati mga anak ko madamay pa? Nikolai, pagtatawanan ka lang ng military. O kaya, pintasan. Because that is so selfish. Sarili lang natin ang ating iniisip. Bakit ka naman nila pagbibigyan kung iyon lang naman pala?”  - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with