^

Para Malibang

Zombie Family (233)

Gilda Olividado - Pang-masa

 “Huwag mong isipin ‘yon.”

“Why not? It happened. At papunta na tayo sa ganoong sitwasyon, Nikolai. Kung hindi ako nagpipigil.”

“That is unfair for us. Nagmamahalan tayo.”

“Do you think hindi rin nagmahalan sina Herman at Marga? Nagkaanak pa sila ng dalawa, hindi ba?”

“So wala na pala tayong pag-asang magkatuluyan? Kung ganyan na ang fear mo.”

“I want us to be together, Nikolai. Pero kung hahaluan na natin ng sex, I’m so afraid.”

“Ganoon ba kalupit

ang Diyos ngayon? Kapag nagmamahalan out of marriage, gagawin nang zombie?”

“Sigurado ka ba na Diyos ang gumawa noon kina Marga and Herman? Ang kilala kong Diyos ay mabait. Hindi nagpaparusa nang ganoon. Nagbibigay ng aral. Umaasang matututo pa rin tayo sa sarili nating paraan. And He is patient to wait. Kaya hindi ako natatakot sa Diyos kasi palagay ko, He was not the one who punished Marga and the kids.”

“Then sino?”

“Something very dark. Or an entity na actually hindi parusa ang ginawa niya kina Marga and the kids. Kundi … para niyang binigyan ng power ang mga ito. Ginawa niyang zombies para pumatay. Ang mga taong walang kasalanan ang gusto niyang magdusa. Ginamit lang niya ang mag-iina.”

Nasapo ni Nikolai ang noo. “My God, why do I found myself believing in you? Ibig sabihin, nandidiyan lang ang entity na iyan, nakikita niya ang lahat. At ngayon na parang nakialam ang Diyos at wala nang pinapatay si Marga … maybe this entity is just waiting to strike back? At kawawa na naman ang mga tao? I hope mali ka, Laurice. Pero iba kang mag-isip. Hindi ko puwedeng mabale-wala, it is creeping into my mind, too.”

“I’m sorry, Nikolai. Hindi  naman kita gustong ma-bother, e. Pero totoong habang nagkakaroon ako ng relasyon sa iyo at papunta na tayo sa intimate stage, parang may bumubulong sa akin. Na may nanonood. May naghihintay ng pagkakataon. At … kapag tinawid na natin ang boundary ng kasalanan … the entity will strike on us.” Nakalarawan na sa magandang mukha ni Laurice ang terror.

Hindi pa man nangyayari ang kinatatakutan.

         - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with