^

Para Malibang

Zombie Family (230)

Gilda Olividado - Pang-masa

AYAW pa ring tumigil ng dalawang teenagers sa pagkain ng patay pero hindi lutong pugita.

At ayaw naman ni Herman na ubusin agad ng mga anak ang pagkain.

Kundi’y paano kung wala nang patay na pugita, manghuhuli ba sila ng sea creature na ito para lang makakain?

Para kay Herman, unacceptable rin ito.

Inutusan niya ang mga body parts. “Tanggalin n’yo na sa kanila iyan. At kumuha kayo ng asin mula sa tubig ng dagat. Para maasnan ninyo ‘yan at nang hindi bumaho at masira. Puwede pang kainin ulit ng mga anak ko.”

Mabilis na sumunod ang mga body parts.

Dahil nga napakarami nila, madali nilang naagaw ang patay nang pugita mula sa dalawang teenagers.

Nagalit ang mga ito.

Susugod ang teenager na babae para manakit at ma­ngagat pero hindi siya nakaabante  dahil itinulak kaagad siya ng mga body parts.

“AAAAHHHHH!” Napatihaya sa buhanginan ang teenager na babae.

Hindi makabangon dahil dinidiinan siya ng mga body parts na kamay at paa. Marami ang mga ito.

Ang teenager naman na lalaki nang makitang hindi kakayanin ang mga  body parts, kahit galit ay nanahimik na lang.

Dinala ng mga body parts sa tabing-dagat ang tira sa patay nang pugita. May proseso silang ginawa.

Para magkaroon ng asin. Inasnan nila ang tirang pagkain ng dalawang zombies na teenagers.

Binantayan nila ang mga ito, hindi puwedeng lumapit ang dalawang teenagers.

REGULAR nang nagdi-dinner o breakfast date sina Laurice at Nikolai. Nagagawa nang halikan ni Nikolai si Laurice.

Pero hanggang doon lang. Hindi pa rin tulu­yang bumibigay si Laurice kahit sumasaya siya kay Nikolai.

“I’m sorry, Nikolai kung hanggang diyan lang ang kaya ko. It’s not easy to forget that I still have a husband.”

“Naiintindihan ko naman, Laurice. At alam ko na hindi natin masasabi kung nasaang level na talaga ang ating relasyon. Sometimes I feel that I own your heart already. But …”

“But sometimes you feel it is still not yours. Tama ka. Nalilito pa rin ako sa puso ko, Nikolai.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with